Idineklara na ng Sandiganbayan 5th Division na “fugitives from justice” ang 3 kapwa akusado ni dating Cong. Zaldy Co sa mga kasong graft at malversation.
Ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y mga iregularidad sa P289.5-million road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ipinag-utos na rin ng korte ang kanselasyon ng kanilang mga pasaporte.
Matatandaang una nang idineklara ng Sandiganbayan si Zaldy Co bilang pugante dahil sa patuloy nitong pagtatago sa ibang bansa sa kabila ng mga kasong kinahaharap nito.
