Filipinas, susubok sa New Zealand sa 2 friendly matches

Filipinas, susubok sa New Zealand sa 2 friendly matches

Sasabak ang Filipinas sa dalawang friendly matches kontra New Zealand sa Nobyembre 29 at Disyembre 4 bilang paghahanda sa mga susunod na international competitions.

Ayon kay Philippine Football Federation President John Gutierrez, pagkakataon ito upang masukat ang kakayahan ng koponan laban sa Football Ferns at makita ang mga aspeto ng kanilang laro na kailangan pang pagbutihin.

Pangungunahan nina Hali Long at goalkeeper Olivia McDaniel ang 26-player squad, kasama sina Sara Eggesvik, Katrina Guillou, Carleigh Frilles, Jaclyn Sawicki, at Jessika Cowart. Inaasahang gagamitin ng coaching staff ang dalawang laban, upang masuri ang paghahanda at koordinasyon ng mga manlalaro.

Layunin ng serye na higit pang patatagin ang laro ng Filipinas bago ang Olympic qualifiers at 2027 FIFA Women’s World Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter