Valenzuela-Malolos commuter railway, aarangkada sa 2028—DOTr

Valenzuela-Malolos commuter railway, aarangkada sa 2028—DOTr

Inaasahang matatapos sa unang bahagi ng 2028 ang Valenzuela-Malolos commuter railway, na magpapabilis sa biyahe ng mga pasahero sa pagitan ng Valenzuela at Malolos, Bulacan.

Sinabi ito ni Transportation Secretary Vince Dizon kasabay ng kaniyang inspeksiyon sa NSCR Malanday Depot sa Valenzuela noong Miyerkules.

Kapag matapos, inaasahang aabot na lamang sa 25 minuto ang biyahe mula Valenzuela hanggang Malolos.

Ayon kay Dizon, mayroon nang 30 train sets at madadagdagan pa ang mga ito sa susunod na taon.

Pinabibilis na ang konstruksiyon upang agad itong mapakinabangan ng mga commuter at makatulong sa pagpapagaan ng trapiko.

Ang 147-kilometer North-South Commuter Railway ay may 35 na istasyon na mag-uugnay sa Pampanga, Bulacan, at Laguna sa Metro Manila, at makakakonekta rin sa mga linya ng LRT, MRT, at Metro Manila Subway.

Follow SMNI NEWS in Twitter