Mahigit 70 volunteers sa Muntinlupa City, nag-donate ng dugo sa Blood Donation Program

Mahigit 70 volunteers sa Muntinlupa City, nag-donate ng dugo sa Blood Donation Program

AABOT sa 74 na volunteer blood donors ang nagbahagi ng kanilang dugo sa naging Mobile Blood Donation ng Muntinlupa City.

Isinagawa ito ng local government unit (LGU) noong Mayo 27 katuwang ang City Health Office-Muntinlupa, Philippine Blood Center, People’s Coordinating and Monitoring Office, at Muntinlupa Scholarship Division.

Bilang reward naman sa mga nag-donate ng dugo ay makakahakot sila ng points na maaaring mai-redeem sa ilang fast food chains.

Kaugnay rito, hinikayat muli ng lungsod ang lahat na mag-donate ng kanilang dugo sa susunod na schedule ng Mobile Blood Donation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter