Mahigit P1.4-B, inilaan ng DBM sa employment programs para sa Filipino youth job seekers

Mahigit P1.4-B, inilaan ng DBM sa employment programs para sa Filipino youth job seekers

NASA P1.401 bilyong pondo ang binigay na alokasyon para sa 2023 strategic programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga kabataang Pilipino.

Kabilang sa mga programang ito ang Government Internship Program, Special Program for Employment of Students, at Job Search Assistance.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, naniniwala ang ahensiya na may malaking papel ang pagkakaroon ng malusog, produktibo, at equipped workforce para sa layunin na makamit ang pag-unlad at kasaganaan.

Sa ilalim ng 2023 national budget, may nakalaan na P708 million ang Government Internship Program ng DOLE.

Ang naturang programa ay binubuo ng 3-6 na buwang internship opportunities para sa mga high school, technical-vocational, at college graduates na gustong magtrabaho sa gobyerno.

Tinatarget nito ang mga 12,000 benepisyaryo.

Upang higit na maihanda ang mga benepisyaryo sa kanilang pagpasok sa labor force, ang Employment Facilitation Program ng DOLE ay binigyan ng badyet na P769 milyon.

Saklaw ng naturang halaga ang P585-M para sa Special Program for Employment of Students.

Samantala, mayroon namang allotment na P108 milyon ang programa ng Job Search Assistance ng ahensiya.

Para sa 2023, ang DOLE ay may kabuuang badyet na P26.89 bilyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter