BIBIDA sa publiko ang makabagong kagamitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kabilang dito ang mga bagong drones at command center na magsisilbing katuwang ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay para sa pagbabantay sa seguridad ng publiko lalo na ng Pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo.
Ayon kay NCRPO chief Police Major General Edgar Alan Okubo, malaking tulong ang mga kagamitang ito sa mas pinaigting na security measures lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao na dadalo at manonood sa gagawing ulat sa bayan ni Pangulong Marcos.
Ilan sa mga pagtutuunan ng pansin ng command center ang traffic system, kasama na ang mga magtitipon-tipon na mga grupo para magpahayag ng kanilnag hinaing pabor man o hindi pabor sa pamahalaan.
Higit pa rin sa pagtitiyak na magiging mapayapa ang SONA, ay ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga ipinatutupad na polisiya sa mismong araw ng SONA ng Pangulo.