Malakanyang may itinalaga nang OIC sa DICT

Malakanyang may itinalaga nang OIC sa DICT

MAGSISILBING Officer-In-Charge (OIC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Undersecretary Paul Joseph Mercado.

Ang pagkatalaga kay Mercado sa nasabing posisyon ay kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro.

Una nang inanunsiyo ng Palasyo na nagbitiw sa kaniyang puwesto si DICT Secretary Ivan John Uy.

Samantala, tiniyak ng DICT sa publiko na walang magiging abala sa mga serbisyo nito sa gitna ng paglilipat ng pamumuno.

Inaasahan naman ng kagawaran ang pagtanggap sa bago nitong OIC na kukumpleto anila sa bisyon ng pamahalaan pagdating sa digital transformation, cybersecurity, connectivity, at inclusivity.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble