Malalang problema ng basura sa Bunawan, Davao City, tinugunan ng Sonshine Philippines Movement

Malalang problema ng basura sa Bunawan, Davao City, tinugunan ng Sonshine Philippines Movement

NAPILI ang Purok Nagkabu, Brgy. Bunawan, Davao City kung saan nakiisa sa paglilinis ang mga boluntaryo ng Sonshine Philippines Movement (SPM) kasama ang mga residente at LGUs sa nasabing barangay bilang bahagi ng “Kalinisan: Tatag ng Bayan” na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ngayong umaga ng Sabado, Enero 11, 2025 ay masayang nagtipon-tipon ang mga boluntaryo sa bahagi ng basketball court upang simulan ang nasabing aktibidad.

Isa sa mga ikinakaharap na suliranin ng lokal na pamahalaan ang hindi maayos na patatapon ng mga basura dulot ng kapabayaan ng ilang mga residente.

Ang mga basurang napapadpad ng karagatan ang siyang nagdulot ng pagkarami at pagkaipon ng mga basura sa nasabing barangay kaya malaki ang pasasalamat ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Brgy. Bunawan sa inisyatibo ni Pastor Apollo sa pagpapatuloy ng coastal clean-up upang mapanatiling malinis ang nasabing barangay.

Daan-daang sako ng mga basura naman ang nakolekta ng mga boluntaryo tulad na lamang ng single use plastic cellophane, water bottles at iba pa. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ng mga residente sa inisyatibo ni Pastor Apollo para sa pagtataguyod ng kalinisan sa Brgy. Bunawan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble