TINIYAK ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) na nakahanda silang magbigay ng malinis na inuming tubig para sa mga apektadong residente ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon kay NAVFORSOL Public Affairs Office Director Lieutenant Regeil Gatarin, may kakayahan ang BRP Andres Bonifacio (PS17) na mag-suplay ng 32,000 litro ng inuming tubig mula sa desalination system.
Nabatid na kino-convert ng kanilang sistema ang tubig dagat upang maging malinis na inuming tubig.
Ipinadala ang barko sa Albay matapos magpahayag ng kahandaan si Defense Secretary Gilbert Teodoro kay Pangulong Ferdinand Ferdinand R. Marcos, Jr. na tumulong sa mga apektadong residente ng bulkan.
Bukod sa inuming tubig, ang BRP Andres Bonifacio ang magsisilbing Mobile Command and Control Center sakaling itaas sa Alert Level 4 ang Mayon.