Mall voting, gagawin sa 2025 midterm polls—COMELEC

Mall voting, gagawin sa 2025 midterm polls—COMELEC

IPATUTUPAD ng Commission on Elections (COMELEC) ang mall voting sa 2025 midterm polls.

Saklaw dito ang lahat ng mall sa bansa lalong-lalo na sa Metro Manila ayon kay COMELEC Chairman George Garcia.

Nakita na anila na mas convenient ang mall voting kumpara sa nakagawiang polling precincts.

Sa ngayon ay nilinaw lang ni Garcia na hindi pa ganap na magkaroon ng transition mula sa polling precincts na gamit ang mga paaralan papuntang mall voting dahil ikokonsulta pa ito.

Hinggil sa mall voting, nagkaroon na ng pilot testing dito sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble