Mambabatas, hindi sang-ayon sa agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait

Mambabatas, hindi sang-ayon sa agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait

HINDI sang-ayon si Cong. Ron Salo, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs na magkaroon ng agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait.

Sa panayam ng SMNI News, aniya magandang dahan-dahanin muna sa pamamagitan ng paglilimita sa bilang ng ipapadala na domestic helper dito.

Ang mas maganda pa aniya, kung mabibigyan din ang mga kababayang Pilipino ng ibang skills upang sakaling maghahanap ito ng oportunidad abroad, hindi ito mapapabilang sa tinatawag na vulnerable sector gaya ng domestic helpers. deployment ban

Ipinaliwanag din ni Cong. Salo kung bakit sa kabila ng marami-rami na ring ulat hinggil sa pang-aabuso ng domestic helpers sa Kuwait, marami pa rin ang mga pumupunta at nagtatrabaho doon.

Follow SMNI NEWS in Twitter