Mambabatas, naniniwalang sapat na ang batas kontra hazing

Mambabatas, naniniwalang sapat na ang batas kontra hazing

NANINIWALA si Pasig City Lone District Rep. Roman Romulo na sapat na ang kasalukuyang batas laban sa hazing.

Ang problema na lang talaga aniya ay ang implementasyon dahil may limitasyon din ang pagsasagawa nito.

Binigyang-diin din ni Rep. Romulo na may importanteng tungkulin ang bawat pamilya sa paghubog ng magiging asal ng isang tao.

Ayon sa kongresista, marami nang ginawa o pag-amyenda sa iba’t ibang batas subalit ang importante pa rin aniya ang asal o pakikitungo ng isang tao sa kaniyang kapwa.

Dagdag pa niya na hindi ugaling Pilipino ang manakit ng kapwa Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter