HINIMOK ng Manila LGU ang publiko na lumahok sa kanilang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” sa Miyerkules, Mayo 10, 2023.
Sa advisory ng LGU, humigit-kumulang 2,500 job vacancies ang naghihintay para sa mga job seeker na high school graduates, college level, college at technical/vocational graduates.
Ang lalahok sa job fair ay pinaaalalahanan na:
Magsuot ng casual attire;
Magdala ng 10 kopya ng resume;
Magdala ng sariling ballpen;
At sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.
Ang job fair ay gaganapin mula 8am – 12nn sa Miyerkules sa P. Guevarra St., corner Malabon St., Brgy. 341, District 3, Sta. Cruz, Manila.