Manila PIO, may paglilinaw sa kumakalat na anunsyo ukol sa class suspension sa lungsod

Manila PIO, may paglilinaw sa kumakalat na anunsyo ukol sa class suspension sa lungsod

WALA pang inaanunsyo ang lokal na pamahalaan ng Maynila ukol sa suspension ng klase at trabaho sa lungsod ngayong araw, Enero 5, 2022.

Ito ang nilinaw na Manila Public Information Office (PIO) matapos magtrending online ang isang post na may larawan mula sa dating announcement ukol sa class suspension.

Paalala ng Manila LGU sa publiko, ang lahat ng official announcement ay iaanunsyo sa pamamagitan ng Facebook page ng Manila PIO at ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Ngayong araw, ilang lungsod na ang nagsuspendi ng klase bunsod ng masamang panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter