MAGKAKAROON ng bahagyang pagtaas ang Manila Water sa kanilang billing ngayong second quarter ng taon.
Ito’y upang mabawi ang kanilang mga pagkalugi dahil sa paggalaw sa palitan ng piso kontra sa ibang currency.
Nasa apat na sentimos kada cubic meter ang itataas at mararamdaman ito sa Abril hanggang Hunyo, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office.
Ibig sabihin, sa regular customers na kumokonsumo ng 10 cubic meters pababa kada buwan ay magbabayad na ng P255.4 mula sa P253.83.
Ang mga kumokonsumo ng 20 cubic meters pababa kada buwan ay magbabayad na ng P563.92 mula sa P563.47.
Nilinaw naman na hindi maaapektuhan dito ang mga consumer na nasa kategoryang enhanced lifeline customers at low-income customers o mga kumokonsumo ng 20 cubic meters pababa kada buwan.
Sakop ng serbisyo ng Manila Water ang mga lugar tulad ng Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Pateros, Mandaluyong, San Juan, at ilang bahagi ng Quezon City at Maynila, maging sa Rizal.