NAPALUHA si Jinkee at Manny Pacquiao dahil sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Happyland, Tondo Maynila sa kanila.
Sinasabing, nagsisiksikan ang mga tao sa daanan dahil gustong makipag-kamay at makita nang personal si Manny.
Ayon kay Jinkee, masaya siya na nakikita ang mga tao na mainit silang sinalubong.
Nagpapasalamat naman si Manny dahil sa ipinakitang suporta ng mga tao kahit balwarte ito ng kanyang kapwa kandidato.
Naniniwala si Pacquiao na maraming mga mahihirap na nasa Class D at E ang boboto sa kanya.
Nangako rin ito na maglalan siya ng P400 billion para sa pabahay sa buong bansa.