Manny Villar, pinaalalahanan ang anak na si Camille na ‘wag kalimutan ang mga OFW

Manny Villar, pinaalalahanan ang anak na si Camille na ‘wag kalimutan ang mga OFW

SA kanyang speech sa Villar Sipag Awards araw ng Huwebes, sinariwa ni dating senate President Manny Villar ang lahat ng naging adbokasiya, programa, at proyekto ng kanilang pamilya sa loob at labas ng kanilang paglilingkod sa gobyerno.

Pero kasabay nito ay kanyang binigyan ng diin ang kanyang paalala kay Camille, na tatakbong senador sa halalan sa 2025, na ‘wag kalimutan ang aniya’y matagal nang bumubuhay sa ating bansa na mga Overseas Filipino Worker.

‘’Bagamat marami pa rin hong mahihirap, Sinasabi ko nga ho kay Camille wag mong pababayaan ang mga OFW. Talagang yan naman ang bumuhay sa ating bansa. KUndi dahil sa mga OFW ay matagal na tayong naghihirap sa Pilipinas,’’ ayon kay Manny Villar Former Senate President.

Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng OFWs ay ang kanilang perang padala sa Pilipinas.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang remittances mula sa mga OFW ay isang pangunahing pinagkukunan ng kita para sa bansa na ginagamit sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng kanilang pamilya—mula sa pang-araw-araw na gastusin, edukasyon, kalusugan, at pagpapagawa ng mga bahay.

‘’Kasi nakita ko po talaga na napakalaki ng tulong ng mga OFWs sa ating bansa pero hindi masyadong kinikilala. Hindi nabibigyan ng kahalagahan ng gonyerno. Pero kung wala ang OFW napakahirap ng ating bansa. Kaya sabi ko kay camille wag mong tigilan ang OFW kasi yan ang advocacy ko,’’ saad ni Manny Villar.

‘’Talagang di namin sila pwede pabayaan. Talagang kailangan po silang mahalin po namin sila dahil kung wala ang kanilang suporta at pagmamahal ay baka wala rin po kami dito. At talagang nakikita naman po natin na ang masipag na nagtataguyod ng ating bansa ay ang mga masisipag na overseas Filipinos,’’ ani Villar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble