TANGING ang dating senador lang na si Manny Villar ang Pinoy na pasok sa Top 200 World’s Billionaires list na inilabas ng Forbes Magazine ngayong 2024.
Sa net worth nito na 11 billion dollars, nasa ika-190 na puwesto sa listahan si Villar.
Kasama rin ni Villar sa ika-190 na rankings ang dalawa mula sa Estados Unidos na sina Brian Chesky ng Airbnb at Donald Newhouse ng Advance Publications gaya ng Conde Nast; Barry Lam ng Quanta Computer ng Taiwan; at Mikhail Prokhorov, ang dating may ari ng Brooklyn Nets ng Russia.
Samantala, number 1 sa listahan ng Forbes si Bernard Arnault at ang kaniyang pamilya.
Si Arnault ang may malaking kontrol sa sikat na luxury brand na LVMH Moet Hennessy Louis Vuitton.
Pangalawa si Elon Musk, ang dating chairman ng Tesla, at CEO ng SpaceX; pangatlo si Jeff Bezos ng e-commerce giant na Amazon; pang-apat si Mark Zuckerberg ng Meta; at pang-lima si Larry Ellison ng Oracle Corporation.