Marcos admin, natupad ang pangakong malaking budget allocation para sa ilang sektor

Marcos admin, natupad ang pangakong malaking budget allocation para sa ilang sektor

NATUPAD ng Marcos administration ang pangakong maglaan ng malaking pondo para sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at health care.

Ayon sa yearend report ng Department of Budget and Management (DBM), aabot sa 5-6% ng Gross Domestic Product (GDP) ang inilagay para sa mga infrastructure projects ng Build Better More Program.

Doble rin ang inilagay para sa major agricultural at fishery programs.

Aabot din sa P44-M ang ini-release ng DBM para sa funding requirements ng development ng Marawi City General Hospital sa Lanao del Sur.

Sa susunod na taon, ibinahagi ng DBM na may kaugnayan naman sa pagresolba ng climate change ang magkakaroon ng malaki-laking budget allocation.

 

 

Follow SMNI News on Twitter