BBM, kumpyansang hindi uusad ang disqualification case laban sa kanya

BBM, kumpyansang hindi uusad ang disqualification case laban sa kanya

KUMPIYANSA si dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na hindi uusad ang petisyon upang ikansela ang certificate of candidacy nito.

Sinabi ni Marcos na hindi ito natitinag sa disqualification case na isinampa laban sa kanya.

“Well, I consider it as a nuisance complaint because since that case, I have been through eight elections,” pahayag ng dating senador.

Matatandaan na ilang grupo ang nag-apila ng petisyon sa Comission on Elections (Comelec) upang ikansela ang kandidatura sa pagkapangulo ni Bongbong Marcos dahil umano sa kinaharap nito na kaso sa buwis 26 taon nang nakararaan.

Para naman sa isang propesor, bigong magpakita ng factual at legal basis ang petisyon na inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kay University of Santo Tomas Faculty of Law Dean Nilo Divina, posibleng dahil dito ay hindi magtatagumpay ang naturang petisyon.

Ang naturang petisyon din ay isang ad hominem o isang pang-aatake lang sa pagkatao ng respondent.

Ayon naman kay dating Justice Secretary Alberto Agra, wala umanong problema ang Certificate of Candidacy ni Marcos.

Hindi naman tungkol sa tax evasion ang inihain laban sa kanya kundi ang pagkabigo lang nitong makapaghain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Ang kabiguan sa paghain ng income tax returns ay hindi rin nakapaloob sa mga krimeng sakop ng moral turpitude na siyang maaaring dahilan para madiskwalipika ang isang kandidato.

SMNI NEWS