Maricel Soriano, inaming siya ang may-ari ng Makati City condo na sangkot sa iligal na droga

Maricel Soriano, inaming siya ang may-ari ng Makati City condo na sangkot sa iligal na droga

SA pagdinig ngayong araw, ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinangungunahan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ay dumalo ang aktres na si Maricel Soriano.

Dito, inamin niyang siya ang nagmamay-ari ng condo unit sa Rizal Tower building sa Makati City na umano’y sangkot sa ilegal na droga.

Pero ayon sa aktres, naibenta niya na ang naturang property noong 2012.

Ayon kay Senador Bato, ito rin ang parehong taon kung kailan nag-leak ang sinasabing PDEA pre-operation report at authority to operate.

Isa si Soriano sa mga idinadawit sa PDEA leaks issue, kung saan sinasabing kabilang ang pangalan nito at ng isang alyas “Bonget” sa mga nakasulat sa isang PDEA pre-ops report.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter