UK, hinihimok ang mga matatanda na magsagawa ng COVID-19 test ng dalawang beses

Matatanda sa bansang England ay hinihikayat na magsagawa ng COVID-19 test ng dalawang beses sa isang linggo.

Hinikayat ng gobyerno ng England ang mga tao na gampanan ang kanilang parte sa pamamagitan ng coronavirus o COVID-19 regular test sa kanilang sarili.

Hinihimok ng UK ang mga matatanda na sumailalim sa COVID-19 testing ng dalawang beses sa isang linggo.

Naniniwala ang United Kingdom na mapipigilan ang pagkalat ng virus kung regular na magpapaswab test ang mga tao.

Dahil dito, hinihimok ng mga testing chief ang lahat na itest ang kanilang mga sarili sa COVID-19 ng dalawang beses sa isang linggo upang malaman kung sino ang mga asymptomatic.

Sa pamamagitan nito, mabilis na malalaman at matutugunan ang pagkalat ng virus sa mga lugar na tumataas ang kaso at posibleng matanggal na ang lockdown sa hinaharap.

Samantala, ang matagumpay na vaccine drive ng Britain ay naging dahilan upang luwagan ang lockdown.

 

(BASAHIN: Bagong COVID variant natagpuan sa United Kingdom)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.