MATAPOS ideklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang pinuno ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison, umaasa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na simula na ito ng kapayapaan sa buong bansa.
Tinukoy na terorista ang 19 na personalidad, kabilang ang mismong pinuno ng CPP-NPA-NDF na si Jose Maria Sison o kilala bilang si Joma Sison at asawa nitong si Julieta.
Itoy sa ilalim ng Anti-Terrorism Council’s Resolution Nos. 16 and 17.
Matapos na mapatunayan ng ATC ang paglabag ng mga miyembro ng CPP Central Committee sa Anti-Terrorism Act dahil sa pagpaplano, paghahanda, pagsasagawa, pagsasabwatan at pag-uudyok ng komisyon ng terorismo at recruitment ng mga miyembro sa isang teroristang grupo.
Kasama rin sa mga idineklarang terorista sina Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., muli niyang iginiit na mismong kay Sison nanggaling ang mga agresibong panlilinlang sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga legal fronts nito.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana Jr., suportado nito ang ginawang hakbang ng ATC.
Ayon sa heneral, may sapat na basehan ang konseho upang tukuyin ang mga indibidwal na nagdudulot ng banta sa seguridad ng mga Pilipino laban sa terorismo at iba pang uri ng karahasan sa bansa.
Statement of the AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana on ATC’s designation of individuals as terrorists
“The military organization further conveys its full confidence to the ATC’s decision which was carried out based on verified and validated information,” pahayag ni Sobejana.
“With this new development, we will be able to protect further our citizens from terrorist acts by closely working together with government law enforcement agencies and focusing our resources to bring the mentioned personalities to justice,” dagdag ni Sobejana.
Positibo rin ang opisyal na tuluyan nang makakamtan ng bansa ang matagal nang inaasam na kapayapaan para sa mga Pilipino.
“We are optimistic that the ATC’s resolution will continue to empower government, under the rule of law, to eradicate terrorism in our country, and maintain a peaceful and progressive nation for every Filipinos,” ani Sobejana.
Ikinadismaya rin ng kalihim na lubhang naapektuhan ang ekonomiya at oportunidad sa hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa takot ng mga negosyante dulot ng mga banta ng terorismo na dala naman ng mga mga komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.
Pero sa panig ng AFP, nakahanda silang sumuporta sa hakbang ng pamahalaan upang itaguyod ang magandang adhikain ng gobyerno laban sa mga teroristang grupo at bilang miyembro ng NTF-ELCAC.
(BASAHIN: Effigy ni Joma Sison, sinunog ng mga pabor sa Anti-Terrorism Law)