TINANGGAP na ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio ang pagiging Chairman ng Lakas- Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Ito ang naging kaganapan matapos inalok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang posisyon bilang Chairman ng partido sa Presidential daughter.
Magugunitang ang Lakas-CMD ang political party ni Mayor Inday Sara para sa kanyang kandidatura bilang Vice president sa 2022.
Nagpapasalamat naman si Mayor Inday sa pagtitiwalang binigay ng partido bilang Chairman ng Lakas-CMD.
Umaasa naman si Mayor Inday Sara na magiging matagumpay ang kanilang pangangampanya para sa BBM-Sara tandem sa 2022.