‘Blessing’ ang pagboto kay Mayor Inday Sara- Atty. Munsayac

‘Blessing’ ang pagboto kay Mayor Inday Sara- Atty. Munsayac

ITINUTURING ni Act As One Partylist First Nominee Atty. Reynold Munsayac na isang blessing ang pagboto sa kanyang kaibigan at schoolmate na si Vice Presidential Aspirant Mayor Sara Duterte.

‘’Walang bahid ng korupsyon. Walang history ng pang-aabuso.’’

Ganito isalarawan ni Act As One Partylist First Nominee Atty. Reynold Munsayac si Mayor Sarah Duterte na tatakbo bilang bise-presidente sa 2022 Elections.

Ayon kay Munsayac isang blessing ang pagboto kay Mayor Inday na aniyay napakabuting tao ng alkalde.

‘’Alam naman ho natin sa bansa natin na may pagkakataon na parang pumili kalang doon sa lesser evil. Pero sa panahon na ito na kumandidato si Mayor Sara it’s a blessings na malaboto sa isang kandidato na walang bahid na kurapsyon, walang history ng pang-aabuso napaka competent, napakahusay at napakatalino,’’ayon kay Atty. Munsayac.

SMNI NEWS