Mayor Vico Sotto, pinangalanan bilang isa sa mga International Anti-Corruption Champion

PINANGALANAN ng US State Department bilang isa sa labingdalawang International Anti-Corruption Champion si Pasig City Mayor Vic Sotto.

Ito ay inanunsyo ni US Secretary of State Antony Blinken.

Ayon pa kay Blinken ang mga ito ay dumidepensa sa transparency, lumalaban sa katiwalian at sinisiguro na mapapananagot ang mga tiwali.

Dagdag pa ni Blinken, nais ni US President Joe Biden na bigyan ng diin ang katotohanan, transparency at accountability sa gobyerno.

Pinuri naman ni Senator Panfilo Lacson ang pagkakasali ni Sotto sa labingdalawang anti-corruption champions.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.