PINURI ni mayoral candidate at AnaKalusugan Party-list representative Mike Defensor si vice presidential candidate at Davao City Mayor ‘Inday’ Sara Duterte sa pagiging alisto at mapagkumbaba nito.
Ito ang mga naikuwento ni Cong. Mike sa programang Point of Order sa kanyang pagsama sa mga campaign rally ng UniTeam.
Magugunitang nagpunta si Mayor Sara sa Quezon City kung saan kinausap nito ang mga tricycle drivers.
‘’Una niyang pinuntahan yong mga tricycle drivers nandoon siya nagsalita sya doon. Doon ko rin nakita yong malaking burger, noong pinapakita ni Inday yong burger tawa ako nang tawa kasi nga ito yong usong-uso ngayon sa mga kabataan ang burger. So doon niya binanggit na kung kayo, yong sinasabi niya na ika-cancel yong para bang ni re-reject o merong pag diskriminasyon. Dahil sa pagsuporta nila kay BBM-Sara, ang sabi ni Inday Sara na batuhin nyo ng burger at nag-uusap sila ng mga tricycle driver ano lang naman maliit na problem na binanggit ng mga tricycle drivers kay Inday Sara at sinabi ko sa kanila na huwag kayong mag-alala sa ilalim ng Pangulong Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte ay protektado at nagpapasalamat naman si Mr. Charlie Manguni ng BATODA o Batasan TODA,’’ ayon kay Cong. Mike.
Ayon kay Cong. Mike dito nabanggit ni Mayor Sara ang katagang, “kung nakararanas kayo ng cancel culture dahil sa pagsuporta sa BBM, batuhin niyo ng burger”.
Bukod pa rito, nagpunta rin si Mayor Sara sa Payatas kung saan personal na nakihalubilo sa mga residente roon.
‘’So, from there dumiretso kami ng Payatas dito nagugulat ako MJ noong kami papunta na ng Payatas may nadaanan kaming maraming tao na nagrally na may hawak na placard na Mayor Inday so derideretso lang kasi malayo pa iyong talagang pupuntahan namin na venue. Naku si Inday umikot biglang nag u-turn ang ginawa ni Inday Sara hindi nya nilagpasan binabaan nya iyong mga tao hindi kasama sa itinerary iyon ha. Alam mo MJ matagal din ako syempre pag may schedule ang Pangulo sinasamahan ko ang Pangulo at pagka medyo wala na doon sa schedule nakakatakot iyon ehh..natatawa nga ako dahil bumaba sya at sabi ng mga tao ahh Maam meron kaming headquarters para sayo. Sabi naman ni Inday Sara sabi nya Mike babalik pa ba tayo dito madadalaw ko ba ang headquarters sabi ko Maam hindi na po kasi from there didiretso po tayo doon sa venue na maglalaunch tayo sa LGBTQ community. So sabi nya o sige pupunta na ako ngayon so mula sa pagbaba nya kinamayan lahat ng tao pumunta kami ng headquarters,’’ saad ni Cong. Mike.
Dagdag pa ni Cong. Mike na maging si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ay katulad din ni Mayor Sara sa kabutihang asal.