DUMIPENSA si Representative Mike Defensor kay Pastor Apollo C. Quiboloy Chairman ng SMNI sa mga alegasyon nito.
Nangako ng suporta si Congressman Defensor para kay Pastor Apollo kaugnay sa kinakaharap nitong kaso at paninira sa butihing Pastor na aniya bahagi lamang ito ng isang politicial prosecution.
‘’Alam mo pagkaka-atake kasi kay Pastor Quiboloy talagang kitang-kita mo kasi si Pastor talagang malinaw iyong kanyang pananaw e, meron siyang pagtingin na kapag nakikita niyang mali, nagsasalita siya lalo’t higit sa mga indibidwal at mga polisiya for example yung NTF-ELCAC fund na talagang nakikita ko na not only si Pastor Quiboloy but yung mga SMNI nating kasamahan, even kami nagsasalita tungkol dito and siyempre sa gitna ng ganyan nagkakaroon ng political persecution, talagang nagkakaroon ng pagkainggit kay Pastor, may mga nagagalit siguro may mga gusto gumanti kay Pastor and ako ang paniwala ko diyan, lahat ng iyan mapagdadaanan ni Pastor Quiboloy iyan, ng SMNI Group, wala iyan. Mas marami pa akong pinagdaanan sa ganyan, eh ako naman e simpleng tao lamang eh si Pastor Quiboloy and kayong lahat you have been all guided, you’ve been helping the people and of course nandiyan tayo susuporta kami sa SMNI family,’’ayon kay Defensor.