Mayor’s Cup 2023 Basketball at Volleyball Tournament ng San Juan LGU, bubuksan ngayong Linggo

Mayor’s Cup 2023 Basketball at Volleyball Tournament ng San Juan LGU, bubuksan ngayong Linggo

BUBUKSAN na ng San Juan City Government ang Mayor’s Cup 2023 Basketball at Volleyball Tournament ngayong Linggo, Abril 2.

Ito ang inanunsiyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ayon kay Zamora, gaganapin ang nasabing tournament sa FilOil EcoOil Centre.

Dagdag pa ng alkalde na dadalo sa opisyal na pagbubukas ng palaro ang PBA players mula sa Magnolia Hotshots na sina Paul Lee at Calvin Abueva.

Maaari namang kunin ng mga manlalaro ang kanilang mga uniforms ngayong Sabado sa kani-kanilang mga barangay hall.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter