PARA sa pagtatapos ng taon, nagdaos ang Metropolitan Environmental Office (MEO) – East ng Year – End Assessment, sa pangunguna ni OIC Director Engr. Virgilio Edralin Licuan, noong ika-28 hanggang ika-29 ng Nobyembre, upang tukuyin at talakayin ang mga natapos na proyekto, programa at aktibidad na may kaugnayan sa gawain ng tanggapan para sa mga lungsod ng Quezon, Pasig at Marikina.
Layunin ng pagtitipon na ito na mabigyang-diin ang mga tagumpay at mga mahuhusay na kasanayan na nagawa ng mga kawani ng MEO-East para sa taong 2024. Dito rin inalam ang mga naging balakid sa implementasyon ng mga programa’t aktibidad, na malaking tulong para sa pagbabalangkas ng mas epektibong mga plano’t estratehiya para sa taong 2025.
Hangarin din ng 2-araw na aktibidad ang makapagbigay ng espasyo para sa mga kawani upang maihayag ang kanilang mga opinyon at rekomendasyon ukol sa kanilang trabaho at sa kabuuang pamamalakad at operasyon ng nasabing tanggapan. Dagdag pa rito, binigyan din ng pagkilala ang mga natatanging kawani na nagpakita ng kahusayan at dedikasyon sa kanilang mga tungkulin at gampanin.
Ang mga ganitong aktibidad ay patuloy na isinasagawa ng MEO-East taun-taon na maganda’t makabuluhang pamamaraan para sa mas dekalidad na serbisyong publiko at ang patuloy na pangangalaga’t pagprotekta ng kapaligiran at likas na yaman sa Metro Manila.
#BattleForManilaBay #MANILABAYanihan #SaveManilaBay #NurturingCitiesForASustainableFuture #DENRNCR
Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Philippines Facebook Page.