Mga aktibidad na maaaring gawin kung bibisita sa Avatar Mountains ng China, alamin

Mga aktibidad na maaaring gawin kung bibisita sa Avatar Mountains ng China, alamin

ATING alamin ang mga aktibidad na maaari nating gawin kung sakaling magawi tayo sa Avatar Mountains ng China.

Maaga kaming nagtungo sa tinatawag nilang Oxygen Bar Square dito sa probinsya ng Hunan China.

Ang lugar pala ay isang forest park sa Zhangjiajie na may higit limang kilometrong haba ng concrete foot path.

Kaya sa ating mga kababayan na magagawi sa bahaging ito ng China, asahan ninyo ang mahaba-habang lakaran sa gitna ng gubat.

Ang kanilang batis, kakaulan lang kasi kaya may mist, may fog… parang may sa hiwaga itong lugar na’to. At ang mga bata masaya pong nagtatampisaw sa tubig.’

Noong 2019, bago tumama ang pandemya ay nasa 90 Billion RMB (yuan) ang kita ng Zhangjiajie sa turismo.

2022, bumaba ito sa P20-B dahil sa COVID-19 restrictions.

“As you can see, there has been great potential… It’s peaking up, it’s still recovering. So far, the number of tourists has returned to pre-pandemic level and even past that level,” pahayag ni Counsellor Zhou Li, Information Department, Ministry of Foreign Affairs.

At hindi mga Kanluranin kundi Asians ang numero unong bisita ng lugar. Una sa listahan ang South Koreans.

“You can find three languages. Chinese, English and South Korean. And also Vietnamese sometimes. (Let’s enjoy the view) Happy trip,” dagdag ni Li.

Pagkatapos, sumakay kami sa tinaguriang ‘fastest and longest elevator’ sa buong mundo na matatagpuan sa paanan ng Yuanjiajie Scenic area- ang Bailong Sky Elevator.

Kaya ng elevator na’to na magsakay ng mga pasahero mula sa mahigit 1,000 feet na taas sa tuktok ng bundok paakyat at pababa sa loob lamang ng 66 seconds.

Pagkaakyat namin sa taas, nasilayan namin ang ganda ng Avatar Mountains, o ang lugar na isa sa film location ng Holywood film na Avatar.

Isa sa mga bansag sa lugar na’to ay ang hallelujah floating mountains dahil kapag misty ang panahon, natatabunan ito ng mga ulap kaya mukhang nakalutang.

Ang lugar na ito ay dagsa ng mga turista na isang World Heritage Site ng UNESCO mula pa sa taong 1992.

“For example just yesterday, from the official statement, more than 20,000 forest entered this park. 20, more than 20,000,” ayon naman kay Michael Zhang, Zhangjiajie Foreign Affairs Office.

Pino-promote ng Zhangjiajie local government ang kanilang lugar bilang ‘wonderland’.

Katunayan, nitong nakaraang taon lamang nila ni-launch ang tourism slogan na ‘Wonderland of Zhangjiajie.

Ayon sa kanilang Local Foreign Affairs Office, nasa 300,000 RBM (Yuan) o P2.1 million lamang ang gastos nila para sa nasabing slogan.

Bukod sa activities na aming nadaanan, maraming mga aktibidad ang puwedeng gawin sa Zhangjiajie.

Tulad ng iba’t ibang extreme sports gaya ng bungee jumping, drifting, rock climbing at iba pa.

168 RBM (yuan) ang bayad para sa tatlong araw na unlimited tour sa lugar.

Hindi kasi ito kayang ikutin sa loob lamang ng isang araw.

Sa pagbisita ng Philippine Media Delegation, umaasa ang local government na sana ay mas maraming Pinoy ang makabisita sa kanila.

Bilang pagpapatibay sa malalim na pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Para sa mga gustong magpunta, payo namin ay makipag-coordinate lamang doon sa mga tunay na booking firms para iwas maloko.

Mga kababayan isa lamang po ito sa mga lugar na dapat niyong puntahan kapag kayo po ay namasyal o nagbakasyon dito po sa China.

At ang kultura nila dito ay kahalintulad lang din sa atin. Hindi po nauubusan dito ng tao kaya ang payo natin ay subukan po ninyo na magpasyal dito po sa bansang ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter