Mga armas at pampasabog, nadiskubre ng militar sa Eastern Samar

Mga armas at pampasabog, nadiskubre ng militar sa Eastern Samar

NADISKUBRE ng tropa ng 52nd Infantry Battalion (52IB) ang imbakan ng armas ng New People’s Army (NPA) sa Jipapad, Eastern Samar.

Ito’y matapos ituro ng sumukong political instructor ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng NPA sa ilalim ng Front 3, Sub-Regional Committee Arctic ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Isinuko ng rebelde ang 1 cal .45 pistol.

Habang nakuha sa imbakan ng armas ng NPA ang 2 AK47 rifle, 1 M14 rifle, 1 shotgun, 4 na anti-personnel mines, at iba’t ibang bala.

Iginiit ni AFP Visayas Command (VisCom) Commander Lt. Gen. Benedict Arevalo na ang pagsuko ng rebelde ay bunga ng localized peace engagement at inaasahan nilang marami pang miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ang magbabalik-loob sa gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter