Mga biktima ng CTGs, makakakuha pa rin ng hustisya sa kabila ng isinusulong na amnesty—Sec. Año

Mga biktima ng CTGs, makakakuha pa rin ng hustisya sa kabila ng isinusulong na amnesty—Sec. Año

PINAWI mismo ni National Security Adviser (NSA) Sec. Eduardo Año ang pangamba ng mga pamilya ng biktima ng communist terrorist group (CTG) na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Na makukuha pa rin nila ang hustisya sa kabila ng pagkakaloob ng amnestiya o pagsasawalang sala sa mga rebelde sa ngalan ng pagbabagong buhay, kapayapaan, at pagkakaisa ng bansa.

Sa panayam kay Año, sinabi nito na sakop lamang ng amnestiya ang mga rebeldeng nakasuhan ngunit hindi pa convicted habang hindi naman kasali sa batas ang mga rebelde na convicted sa kaso.

Sa inisyal na impormasyon, pasok sa programa ang mga matataas na posisyon sa rebeldeng kilusan at mga nagtatago na nais maging bahagi ng mapayapang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Sa kaniyang pagdalo sa post State of the Nation Address (SONA) nitong Miyerkules Hulyo 26, 2023, umaasa ang kalihim na ang nasabing programa ay magiging daan sa isang bagong yugto ng maayos at mapayapang bansa.

Sa ngayon, may ilang bagay pa aniya na inaayos ang pamahalaan ukol dito para sa maayos na implementasyon sa nasabing mungkahi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble