SAYANG ang ipinondong karunungan sa mga dating pangulo ng bansa.
Ganito ang naging rason ni Sen. Robinhood Padilla kung kaya’t sa panayam ng SMNI News, ipinaliwanag niya ang kanyang panukalang gawing otomatikong presidential advisers ang dating mga Presidente ng Pilipinas.
Aniya, lubos na nakakatulong ang mga dating pangulo ng Pilipinas dahil alam na nito ang pasikot-sikot sa bansa sa loob ng kanilang anim na taong termino.
Katulad nalamang aniya ang pagsasama ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at si dating pangulo at ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang foreign trips at state visits dahil isa itong ekonomista.
Sinabi pa ni Sen. Padilla na maaari ding ilagay na adviser sa law enforcement at foreign relations si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Maging si dating Pangulong Joseph Estrada ay maaari ring ilagay sa law enforcement.