NAG-AALOK ng golden visa ang mga kumpanya sa UAE para panatilihin ang mga empleyado nito.
Tinitingnan din ng mga kumpanya ang opsyon na pag-aalok ng 10 taong visa sa bagong senior employees para makuha ang pinakamahusay na empleyado.
Ang bagong benepisyong ito ay karagdagan sa monetary benefits na kasalukuyang nakukuha ng mga empleyado.
Ang UAE ay nakatakdang mamahagi ng bagong visa at entry permits sa susunod na buwan bilang parte ng malawakang residency reform program nito.
Ang golden visa ay iniaalok din sa mga scientist, mga professional, mga talentadong indibidwal, real estate investors, entrepreneurs at outstanding na mga estudyante.