AKTIBONG nakiisa ang mga mag-aaral at mga guro sa paglulunsad ng Catch-Up Fridays ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa buong bansa, nitong Enero 12.
Sa pamamagitan ng Drop Everything and Read (DEAR) Day, binibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na makapagbasa ng kanilang napiling basahin.
Nakadisenyo ang Catch-up Fridays upang mapalakas ang foundational, social at iba pang mahahalagang kasanayan upang makamit ang hangarin ng basic education sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, critical thinking, analytical, at pagsusulat.