Mga motorista na may paglabag sa NCAP, maaari nang makapag-renew

Mga motorista na may paglabag sa NCAP, maaari nang makapag-renew

MAAARI nang makapag-renew ang mga sasakyang na-tag at inilagay sa ilalim ng alarma sa Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng ‘no contact apprehension policy’ (NCAP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasunod ito ng pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema noong nakaraang buwan.

Sa liham ng MMDA sa service provider ng LTO na Stradcom Corporation, sinabi ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga na ang malaking bilang ng mga may-ari ng sasakyang na-tag at inilagay sa ilalim ng alarma sa LTO sa ilalim ng NCAP ng MMDA ay hindi maaaring mag-renew o ilipat ang pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.

Ito ay dahil aniya hindi tumatanggap ang awtoridad ng bayad para sa mga multang ipinataw dahil sa pansamantalang pagsususpinde ng NCAP.

Inilahad naman ng LTO na kanila nang tinanggal ang tagging at alarm ng mga sasakyan sa ilalim ng NCAP ng MMDA.

Ayon kay LTO spokesperson Bob Valera na dahil dito maaari nang makapagrenew o ilipat ang pagpaparehistro ng mga nasabing sasakyan.

“Actually nakausap ko yung head ng I.T. Sabi niya lifted na yung alarm. So pwede nang magregister,” ayon kay Bob Valera, Spokesperson, LTO.

Inalis na rin ang lahat ng alarms mula sa NCAP sa mga lokal na pamahalaan kabilang na ang Valenzuela City, Quezon City, Parañaque City, Manila, at Bataan.

Muli namang nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na panatilihin ang disiplina sa kabilia ng pagsuspindi ng NCAP.

Follow SMNI NEWS in Twitter