Former Cong. Defensor, nilinaw ang pakikipagpulong sa MMDA

Former Cong. Defensor, nilinaw ang pakikipagpulong sa MMDA

NILINAW ni Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor ang pagpuna ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa pakikipagpulong nito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Cong. Mike, hindi pa siya opisyal ng MMDA at siya ay naroon lamang upang magbigay ng pananaw hinggil sa Oplan Balik Eskwela ng MMDA.

Dahil dito, pinaliwanag at kinausap na rin ni Defensor si Enrile hinggil dito.

Dagdag pa ni Cong. Mike, bilang isang private citizen, gusto niyang magbigay ng suhestyon sa suliranin sa trapiko base na rin sa kaniyang karanasan bilang public servant.

Una na ring sinabi ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III na walang official function si Defensor sa ahensiya at pumunta lang doon para magbigay ng ‘solicited advice’ hinggil sa Oplan Balik Eskwela.

Dagdag pa ni Dimayuga, nakaugalian na niya ang panghihingi ng opinyon sa mga kaibigan lalo na’t bago pa lamang siya sa MMDA.

Follow SMNI NEWS in Twitter