NAG-RALLY sa harap ng US Capitol ang mga pamilya at biktima ng hindi bababa sa siyam na mass shooting sa Estados Unidos upang isulong ang panawagan na ipagbawal ang mga assault weapons.
Ang kanilang hiling, ipagbawal na mga assault weapons o mga baril na karaniwang ginagamit sa pagpatay.
Ang organisasyong adbokasiya na “March Fourth” ay nagsagawa ng rally na “Pass the Ban”, kasama ang mga survivors at pamilya ng kamakailan na pamamaril sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas, hanggang sa mga insidente simula pa noong 1999 sa Columbine High School.
Ang ‘March Fourth’, ay isang gun-control activist group, ay nagsagawa ng malaking rally sa harap ng US Capitol Building sa Washington, DC at nagtutulak ng pederal na pagbabawal sa mga assault weapons.
Ang grupo ay nabuo sa Chicago kasunod ng mass shooting ng ‘July 4th Parade sa Highland Park’.
Sinamahan sila ng iba pang komunidad mula sa buong US na naapektuhan din ng karahasan ng baril.
“You don’t have to be a doctor to understand that. When I graduated from medical school, I committed my career to ensuring the health and safety of our nation’s children. Never in my wildest dreams did I think that I would ever, ever be here today. On the fourth of July, 13 members of my family, including my parents, my husband, my two young children and I ran for our lives from an active shooter at the highland park parade. Thankfully, we suffered no physical injuries,” pahayag ng isang female speaker.
Isang panukalang batas na nagbabawal sa mga armas sa pag-atake ay ipinasa sa US House of Representatives noong Hulyo. Hinihiling ngayon ng mga nagprotesta na ipasa rin ng Senado ang panukalang batas na ito.
“In my faith, we’re taught whoever destroys a soul, it’s considered as if they’ve destroyed an entire world, and whoever saves a live, it’s considered as if they’ve saved an entire world. This is our collective responsibility to make our community safe. These weapons don’t belong in the neighbourhoods of our city. We have the power to change this, by compelling and pressing the Senate to do their job to ban these destructive weapons of war from the neighbourhoods of our communities once and for all. The Senate has to do that. That’s only going to happen because you’re all here, demanding that,” sabi naman ng isang male speaker.
Ipagbabawal ng ‘Assault Weapons Ban’ ang pagbebenta, paggawa, paglilipat, o pagmamay-ari ng mga semi-automatic assault weapons at malalaking kapasidad na mga baril at amunisyon.
60 senador ang dapat bumoto para sa panukalang batas bago ito maipasa.
Sa ngayon, ang Estados Unidos ay nakapagtala ng higit sa 500 mass shootings sa buong bansa, at sa kasamaang palad, inaasahang magpapatuloy ang mga insidenteng ito sa mga darating pang buwan.