LUSOT na ngayong araw sa Bicameral Conference Committee ang panukalang pagpapaliban sa Barangay and SK Elections (BSKE).
Sa approved version ng bicam, sa halip na sa December 2023 isasagawa ang synchronized BSKE ay sa October 2023 na ito idaraos.
Taong 2018 pa nang huling magkaroon ng eleksyon sa Barangay at SK sa bansa matapos isabatas ng nagdaang Duterte administration na ilipat ang pagsasagawa ng BSKE mula May 2020 sa December 2022.
Nauna nang sinabi ng COMELEC na sana’y magkaroon agad ng batas para sa postponement ng BSKE ngayong taon para hindi masayang ang pondo at ang kanilang paghahanda sa eleksyon.