NANANAWAGAN si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa lahat ng mga Pilipino na makiisa sa global Earth Hour movement na gaganapin sa Marso 27.
Ito ay bilang suporta sa layunin ng ahensiya na maibsan ang epekto ng climate change.
Gaganapin ang worldwide event sa Pilipinas ng 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.
“I enjoin all households and businesses across the country to jointly switch off their lights and other energy-consuming devices for an hour, and to encourage action towards the environment even after the lights are turned back on,” ayon sa pahayag ni Climatu.
Maaaring i-switch off ang mga kompyuter, telebisyon, air conditioning units, at mga hindi kailangang ilaw bilang pagpahayag ng pagpapahalaga sa kapaligiran.
“Now more than ever, environment responsibility is critical and must be sustained. Let us do our share and switch off for an hour in support of a healthy future for humankind and the environment,” ayon kay Cimatu.
Binigyang-diin din ni Cimatu na maliban sa nasabing global event, kailangan din ng mga Pilipino na bawasan ang kanilang paggamit ng kuryente upang mapababa ang carbon footprint at emissions na idinulot ng carbon dioxide at fossil fuel, na siyang malaking sanhi ng climate change.
Iminungkahi rin ng kalihim ang paglipat sa renewable source of energy kagaya ng solar technology at ang paggamit ng light-emitting diode (LED) light bulbs, na mas mababa ang magamit na kuryente kung ikumpara sa incandescent at fluorescent lights.
“As the COVID-19 pandemic continues to rage, let us recognize the inevitable truth that the state of our planet and our health and well-being are inherently related. We should persist against harmful human activities and shift towards environment-friendly lifestyle choices,” dagdag ni Cimatu.
(BASAHIN: Polusyon ng hangin noong Bagong Taon, bumaba —DENR)