Mga POGO, dahilan para maging human trafficking hub ang Pilipinas sa buong mundo

Mga POGO, dahilan para maging human trafficking hub ang Pilipinas sa buong mundo

DAHILAN para maging human trafficking hub ang Pilipinas sa buong mundo ay ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Itinuro ni Senator Win Gatchalian ang patuloy na operasyon ng POGO para tuluyan nang maging human trafficking hub sa buong mundo ang Pilipinas.

Ito ay dahil ginagamit ng mga sindikato ang mga POGO bilang kanilang front sa human trafficking.

Batay sa datos ng senador, nasa apat na libong biktima ng human trafficking ang nailigtas sa nakalipas na dalawang buwan.

Muli namang tiniyak ni Gatchalian na patuloy nitong pangungunahan ang laban para tuluyan nang ipagbawal ang mga POGO.

Sa kaniyang report na isinumite sa Malakanyang nitong Hulyo, inirekomenda ni Gatchalian bilang chairman ng Senate Committee on Ways and Means ang agarang pagpapasara sa mga operasyon ng POGO sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble