MAARI nang mag-isyu ng birth at death certificates ang mga pribadong ospital sa Dubai.
Ang hakbang ay naglalayong padaliin ang proseso para sa komunidad at masiguro ang madaling utilization ng serbisyo na ito.
Dati ay isang ospital lamang sa Dubai ang maaaring magbigay ng certificate na ito.
Gayunpaman, sa katapusan ng 2023 inaasahan na lahat ng ospital ng pribadong sektor ay makakapag-isyu na ng ganitong certificates.
Sa kasalukuyan ang serbisyong ito ay available sa HMS Mirdif Hospital, Medcare Hospital for Women and Children, Mediclinic Parkview Hospital, Mediclinic City Hospital, Mediclinic Welcare Hospital at Zulekha Hospital.
Makakatanggap ang mga kustomer ng normal na certificate at maaari ding mag-request ng digital certificate nito.