Singapore, ikalimang bansa na mayroong mababang bilang ng korapsyon

Singapore, ikalimang bansa na mayroong mababang bilang ng korapsyon

PASOK ang Singapore sa Top 10 sa mga bansang may mababang bilang ng korapsyon kung saan nasa ikalimang pwesto nga ito.

Pero ito ang pinakamababang ranggo ng bansa sa nakalipas na limang taon, dahil ikatlo ito noong 2018 at 2020 at ikaapat noong 2019 at 2021.

Tanging ito lamang ang Asyanong bansa na kabilang sa Top 10 ng nasabing perceptions index.

Inira-ranggo ng index na ito ang 180 bansa at teritoryo sa mundo batay sa antas ng korapsyon sa pampublikong sektor kung saan mayroong puntos na zero sa pinaka-korap at 100 naman sa pinakamalinis na bansa.

Samantala, mataas din ang ranggo ng Singapore sa iba pang international index dahil sa incorruptibility at malinis na public sector nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter