Mga sangkot sa premature campaigning at vote buying, tiyak na madidiskwalipika—COMELEC

Mga sangkot sa premature campaigning at vote buying, tiyak na madidiskwalipika—COMELEC

MANANAGOT ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sangkot sa premature campaigning at vote buying.

Ito ang tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia matapos mapadalhan ng show cause order ang 6,000 kandidato sa halalan.

Ayon kay Garcia, lumalabas sa nasabing bilang na 1,300 kandidato pa lamang ang nakapagpaliwanag sa COMELEC.

Habang 96 kandidato ang may nakabinbing disqualification case dahil sa election offense.

Inaasahang mareresolba ang disqualification case o iba pang paglabag ng kandidato bago ang Oktubre 30.

Puspusan naman ang gagawing information campaign ng COMELEC katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa pagbili at pagbebenta ng boto.

Follow SMNI NEWS on Twitter