Mga sapul sa operasyon ng MMDA Strike Force sa Parañaque City, kaniya-kaniyang palusot para makaiwas sa multa

Mga sapul sa operasyon ng MMDA Strike Force sa Parañaque City, kaniya-kaniyang palusot para makaiwas sa multa

KANIYA-kaniyang palusot ang ginawa ng mga nasampolan ng MMDA Strike Force sa bahagi ng Macapagal Blvd. sa Parañaque City para lamang hindi mapatawan ng multa dahil sa illegal parking. Isang side walk vendor naman ang pinalampas muna ng MMDA.

Inireklamo na umano ng mga taga-Parañaque ang isang bahagi ng Macapagal Blvd. dahil sa mga sasakyan na ilegal na pumaparada sa kalsada.

Kaya ang MMDA Strike Force, umaksiyon at nagsagawa na ng operasyon sa lugar bandang alas-nuebe ng umaga nitong Lunes.

Isa sa mga naabutan at nasampulan ng operasyon ay si Manong Rocky na nagawa pa ring ngumiti sa kabila na pinagmumulta ito ng 1,000 libo dahil sa illegal parking.

Palusot nito, sandali lang siyang huminto sa gilid ng kalsada para magbasa ng text message.

Pagtingin niya sa paligid niya ay marami nang tao at akala pa niya ay mayroong dumating na artista.

“Bigla akong gumilid kasi may nag-chat. Babasahin ko sana ang message. Pagtingin ko diyan, akala ko ‘yung mga nagblink-blink, akala ko VIP,” ayon kay Rocky, Driver.

Hinatak naman ng Strike Force ang mga ibang mga unattended na sasakyan.

Si Emman, wala ng nagawa nang makita sa truck ng MMDA ang kaniyang motor na ipinark lang daw niya sandali sa labas ng kaniyang pinagtra-trabahuhan.

Ang kaniyang palusot…

”Nag-CR po kasi ako,” ayon naman kay Emman.

“Kakararating lang naman. Biglaan namang may operation,” aniya.

“We have already received several complaints as regard po dito sa Macapagal Boulevard na meron nga pong isang portion towards PITX na mayroong mga illegal parking. Alam naman po natin ang mga highways. Hindi po maaaring merong naka-park sa gilid ng kalsada because it is a highway. It is meant to be used ng mga sasakyan at ang bibilis po ng takbo ng mga ito.”

“Makikita naman natin na all throughout, may mga signages na nakalagay sa mga poste na no parking all through out,” pahayag ni Gabriel Go, OIC, Special Operations Group-Strike Force, MMDA.

Sinita rin ng MMDA ang sidewalk vendor na si Loren.

Sa kaniyang tindahan madalas kumakain ang mga PUV driver na ayon sa MMDA ay sagabal sa trapiko.

Palusot nito, pinayagan naman anila silang makapagtinda doon.

“Doon po sa GM sa taas. Pinayagan naman daw po. Basta pagkatapos kumain, alis. Si GM po sa taas sa Orense po. Pinayagan doon lang po. Basta huwag lang doon kasi hagip sa camera. Basta dito po, pinayagan po. Basta huwag lang mag-double parking,” ayon naman kay Loren, sidewalk vendor.

“During rush hours po natin, nagkakaroon po ng kaunting traffic congestions dahil nga po dumadami ang mga public utility vehicles, mga buses po natin na pumaparada po dito sa Macapagal Blvd na dito po sila bumibili, kumakain, nagpapahinga,” dagdag ni Go.

Naiintindihan naman natin kung gaano kahirap pumasada o bumiyahe, however, hindi naman po natin puwede na maantala, ang mobility ng mga motorista.

Ayon kay MMDA Strike Force OIC Gabriel Go, hindi pupwede ang tindahan sa sidewalk. At babala ng MMDA sa mga sidewalk vendor, kukumpiskahin na ang kanilang mga tinda kung babalik pa sila roon.

“For today po, binigyan natin sila ng warning, however tomorrow o sa susunod na araw ‘pag tayo ay bumalik.. Sabi ko nga po, we will confiscate whatever the things obstructing the sidewalk,” dagdag ni Go.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble