Mga tarpaulin na may nakalagay na “Run Sara Run”, hindi labag sa batas —Comelec

WALANG nakikitang paglabag sa batas ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nakapaskil na mga tarpaulin na may nakalagay na “Run Sara Run” sa iba’t ibang bahagi ng Davao City at Metro Manila.

Ito ay ayon mismo kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi ito paglabag sa campaign rules sapagkat ang kampanya ay mag-uumpisa pa sa Feb. 8-May 7, 2022.

Aniya, maari rin itong gawin ng ibang nagbabalak na tumakbo.

Samantala, nagpapasalamat naman si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga tarpaulin na ito ngunit hindi pa ito nagpahayag ng plano niya sa 2022 national elections.

Matatandaang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa kay Mayor Sara ang lahat ng katangian para maging pangulo ng Republika ng Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.