INAASAHANG darating sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na una ng ipinangako ng COVAX facility na ipamamahagi sa Pilipinas ngunit naipagpaliban ang delivery nito dahil sa indemnification law.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galves Jr, nag-require ng indemnification agreement ang Pfizer dahil sa naging isyu ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa bansa.
Dagdag ni Dizon nangangailangan ang lahat ng vaccine manufacturers na magkaroon ng indemnity clause or agreement dahil gagamitin na ang mga bakuna habang hindi pa natatapos ang proseso ng product registration nito sa buong mundo.
Saad naman ni Galvez ongoing na ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa COVAX facility at sa local country head ng Pfizer upang bigyan ito ng kasiguraduhan na magkakaroon ng mutual protection ang pamahalaan at ang manufacturer sa gaganapin vaccination roll out sa bansa.
Na-comply na rin ng pamahalaan ang indemnification agreement at iba pang mga requirements ng World Health Organization (WHO) para makaaccess na ang bansa sa Pfizer at Astrazeneca Vaccines, at maging sa iba pang bakuna.
Magmumula naman sa pamahalaan ang gagamitin para sa indemnification fund.
Samantala, giit naman ni Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric infectious disease expert na hindi lahat ng adverse effect ay dahil sa bakuna.
Saad ng doktor Importanteng matukoy kung ang nangyari matapos ang bakuna ay talagang nagmula sa pagbabakuna o nagkataon lang na sumabay sa proseso.