INANUNSYO ni Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob sa publiko ang libreng sakay para sa RapidKL, KTM Komuter sa Klang Valley.
Kabilang sa serbisyo ang Mass Rapid Transit (MRT), Light Rail Transit, Bus Rapid Transit, Monorail at RapidKL bus.
Ayon kay Prime Minister Ismail Sabri, naglaan ang gobyerno ng RM140 million at RM15 million para maipatupad ang libreng sakay sa RapidKL-operated public transportation.
Bukod pa rito, sinabi ng punong ministro na layunin nito na hikayatin ang mas maraming tao na gumamit ng pampublikong transportasyon hindi lamang sa pagpasok sa trabaho kundi para sa paglilibang kasama ang pamilya.
Aniya, makatutulong ang serbisyo ng MRT at RapidKL sa problema sa daloy ng trapiko dahil mababawasan ang gumagamit ng mga pampublikong sasakyan.
Samantala, pinasinayaan ni Prime Minister Ismail Sabri ang pagbubukas ng Laluan Putrajaya MRT Phase 1 mula sa Kampung Batu MRT station hanggang Sri Damansara Sentral MRT station.
Bilang karagdagan, sinabi ni PM Ismail Sabri na ang 2nd phase ng MRT Putrajaya line ay inaasahang magsisimula ang operasyon sa 1st quarter ng taong ito.