Mga undersecretary ng DFA, pinangalanan na

Mga undersecretary ng DFA, pinangalanan na

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang dating Philippine Ambassador ng Chile na si Ma. Teresita Daza ay itinalaga ni Secretary Enrique A. Manalo bilang bagong tagapagsalita ng kagawaran.

Si Daza ay isang beteranong career diplomat na maraming karanasan sa kanyang posisyon.

Kamakailan ay nagsilbi siya bilang Ambassador ng Pilipinas sa Chile kung saan kabilang sa kanyang saklaw o hurisdiksyon ay ang Republika ng Ecuador at Peru.

Bukod pa rito, naging Ambassador ng Pilipinas sa India si Daza na may kasabay na hurisdiksyon sa Nepal, at nagsilbi bilang Chargé d’Affaires, a.i.  at Deputy Permanent Representative sa Permanent Mission of the Philippines to ASEAN sa Jakarta.

Matatandaan, apat na taon na ang nakalipas mula nang huling magtalaga ng isang tagapagsalita ang  isang DFA Secretary.

Habang 18 taon mula noong huling magkaroon ng babaeng tagapagsalita sa kagawaran.

Samantala, bukod kay Daza itinalaga rin ni Sec. Manalo si Acting Undersecretary Ma. Theresa P. Lazaro bilang Bilateral Relations and ASEAN Affairs gayundin si Acting Undersecretary Antonio A. Morales ng Administration.

Si acting Undersecretary Carlos D. Sorreta ng Multilateral Affairs and International Economic Relations.

Acting Undersecretary Jesus “Gary” S. Domingo ng Civilian Security and Consular Affairs at Acting Undersecretary Eduardo de Vega ng Migrant Workers Affairs.

Follow SMNI News on Twitter